A Love Affair

Matagal na akong may love affair. It may surprise others especially those who knew me really well but, yes, I have a love affair with someone whom people always associate with me.

There is this someone very special whom I have a long-standing love affair with. May mahal ako at minamahal din ako.

We knew each other since I was in my teens. Siya ang unang nag-introduce sa akin ng salitang PAGMAMAHAL, ng konsepto ng PAG-IBIG.

Ipinadama niya sa akin ang saya ng isang taong nagmamahal at minamahal. Kahit bata pa ako sa paningin ng karamihan, hindi ko naramdamang bata ako dahil sa idinulot niyang saya sa puso kong bago lamang namulat sa pag-ibig. Nagdalaga akong minamahal siya ng buong puso.

Nangarap akong kasama siya. Nangarap akong habang buhay kaming magkakasama.

Ngumiti ako sa piling niya. Ngumiti ako dahil lahat na ay natagpuan ko sa kanya.

Natuto akong magmahal dahil sa kanya. Natutunan ko kung paano magmahal at mahalin ng buo, totoo, at walang pag-aalinlangan.

Ngunit hindi lang saya at pagmamahal ang nakuha ko noong minahal ko siya. Sa piling niya naranasan ko ring masaktan ng sobra. Sa kanya ko nadama ang sakit na ni minsan sa aba kong buhay ay di ko pa naramdaman.

Lumuha ako sa bawat masakit na salitang namutawi at naipabatid. Mga salitang nagbunga ng mga di mawaring paghihinagpis.

Nagalit ako sa kadalasang makitid na pag-iisip at pangagatwirang walang katuturan. Galit na nagbunga ng matinding dusa sa bawat isa.

Subalit sa lahat ng sakit hindi pa rin mapapantayan ang ligayang idinulot niya sa isang abang nagmamahal.

Sa bawat luhang itinulo ng aking mga mata, may katapat naman itong ngiti at tuwa na siyang pumapawi sa bawat hikbi. Sa bawat galit na umigting sa aking puso at isip, may katapat itong pagmamahal na tumutunaw sa lahat ng pighati.

Kaya sa lahat ng aming pinagdaanan at sa tagal ng aming pinagsamahan nasisiguro kong kami ay pangmatagalan.

I KNOW THAT MY LONG-STANDING LOVE AFFAIR WITH ROMANTIC PROSES WOULD NEVER END.

Image

Hanggang sa ako’y magka-asawa’t magka-anak, magka-apo at tumandang nakatungkod alam kong mananatili siyang kapiling ko. Hanggang kaya pa at malinaw pa ang aking paningin, mananatili kong kapiling ang aking mga mahal na babasahin. Habang buhay kong magiging kaulayaw ang mga prosang pag-ibig na siyang gumising sa aking damdamin.

That is why I want to say GREAT JOB TO ALL WRITERS OF ROMANTIC PROSES. Bless you for being able to impart to your readers the sensation of affection and warmth, the sentiment of being hurt and desperate, and most especially the exhilarating rush of LOVE and being IN LOVE. Nagawa ninyong itawid mula sa mayaman ninyong kaisipan papunta sa puso at isip ng inyong mambabasa ang mga damdamin na hindi lahat ay pwede at kayang maranasan.

KUDOS AND MORE POWER! May you continue on and make every little girl grow into a beautiful woman through the stories that you put together.

And remember this, as long as romance writers exist, happiness and love will still persist.

Posted on April 24, 2013, in What's in mind and tagged , , , , , , , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Anything you want to say?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: