Suntok sa Buwan

Image

Mula sa malayo ay tinatanaw ka

Ikaw at ang mga magaganda mong mata

Ninanamnam ko ang bawat sandali

Na masilayan ko ang matatamis mong ngiti.

 

Sa bawat sandaling ika’y aking nakikita

Ang paligid ko’y wari ay nag-iiba.

Bigla-bigla naging makulay at masaya

Ang pusong minsa’y nawalan ng sigla.

 

Minsan sa buhay ko’y umibig na ako

Subalit dulot nito’y sakit lamang at pagkabigo

Kaya sa aking sarili’y aking ipinangako

Na ‘di na muling mahuhulog at magkakagusto

 

Pero ewan ko ba sa aking sarili

Sa iyo ay bigla na lang nabighani

Parang praning na napapangiti sa kawalan

Sa tuwing ika’y pumapasok sa aking isipan.

 

Ngunit alam ko namang ika’y isang pangarap

Na kung aabutin ko’y sadyang napakahirap

Sapagakat sa isang abang nakatunghay sa iyo

Suntok sa buwan ang mabigyang pansin mo.

Posted on August 7, 2013, in Poems and verses and tagged , , , , , , , , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Anything you want to say?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: