Status: In a Relationship

601937_495747730491867_470239956_n

Changed relationship status from Single to In a Relationship with …

Iyan ang sumalubong sa iyo ng muli mong buksan ang Facebook account mo sa computer. The status isn’t yours but your “first love’s”.

In a Relationship. Napakagandang basahin. Nakakakilig damhin. Napakabigat sa sa iyo.

Hindi ka lang siguro sanay, o masasanay, na kahit kailan ‘di ka nagustuhan ng first love mo. Hindi lang din siguro matanggap ng utak mo at ng puso mo na kahit kailan ‘di man lang tumimo sa isip ng una mong minahal ang damdaming pinangarap mong ialay niya sa iyo.

Masakit kasi hanggang ngayon sariwa pa rin sa utak mo ang pangarap mo noon. Na sana ikaw na lang ang pinili niya. Na sana ikaw na lang minahal niya. Na sana ikaw.

Naging theme song mo dati ang pang-ambisyosang awit ni Bituin Escalante habang pinapangarap mong maging girlfriend niya. Pati na rin ang makabagbag-damdaming Art of Letting Go ni Mikylla habang pinipilit mo ang sariling makalimutan siya. Para ka ngang timang noong mga panahong iyon kasi kailangan mong i-let go ang isang bagay na kahit kailan naman ay ‘di naging iyo.

Mahirap talaga ang masadlak ka sa isang one-sided relationship wherein ikaw at ikaw lang ang nagmamahal. Kahit anong pangangarap mong ma-reciprocate niya ang damdamin mo, wala pa ding mangyayari kasi nga, in the first place, ‘di naman siya kailanman naging interesado sa iyo.

Pero ang mas masakit at mas mahirap tanggapin ay kapag naipahayag mo na ang damdamin mong wagas sa kanya subalit sa huli, ang maririnig mo lang ay hindi talaga siya kailanman nagkaroon ng pagtinging laan para sa isang minamahal para sa iyo. Sabihin mo man sa kanya at sa sariling mong “ang sabi ko mahal kita, ‘di ko naman sinabing mahalin mo din ako”, tagos pa rin sa puso, buto, at kalamnan ang sakit kasi alam mong niloloko mo lang ang sarili mo. Mararamdaman mo pa rin na gusto mong magbigti dahil sa nararamdaman mong hapdi (of course figuratively speaking lang).

Kaya malamang itatanong mo sa sarili mo, bakit nga ba ‘di niya ako kailanman nagustuhan bilang ka-ibigan?

At ang conclusion na dadapo sa utak mo ay malamang na hindi ka kagandahan, sadyang malupit si Kupido sa iyo, o ‘di kaya’y maepal lang talaga si kapalaran. Tapos magse-self pity ka. Magtatago ka sa proverbial shell, itatayo ang cliché walls sa paligid mo, at i-de-declare mong love-phobic ka na for the rest of your life. Magpipilit kang lumimot. Sa tuwing makakasalubong ka nang potential na mamahalin iisipin mong wala itong patutunguhan kasi mauulit na naman ang pangyayaring ikaw at ikaw lang ang magmamahal. Lahat ng ito dahil lang sa isang naunsiyaming unang pag-ibig.

Sa tagal ng panahon na dinala mo ang pag-ibig sa kanya, natatak na sa utak mo na siya na ang iyong greatest love; wala nang papantay, wala nang hihigit, walang sinuman ang makakapalit.

Yeah sure, may isang papasok na magugustuhan mo kunwa. Ngunit sa huli babalik at babalik pa rin sa kanya. Kung anuman ang maramdaman mo sa bagong “pag-ibig” na darating tatatak pa din sa isip mo kung kaya mo pa rin bang magmahal nang katulad ng pagmamahal mo sa unang minahal mo ng sobra.

Doon magsisimula ang pagdadalawang-isip sa bagong dumating at sa sarili mong gustong umibig. At mawawalan na naman ng saysay ang lahat. Lahat ng ito dahil lang sa isang naunsiyaming unang pag-ibig.

Ngayon, ang iyong naunsiyaming unang pag-ibig, Status: In Relationship.

Napaisip ka. Nag-o-over ka lang pala sa pag-asang darating ang panahon na mapapamahal ka sa kanya.

While you were busy carrying a torch for him, hayun siya at malayang nagmahal. Nagmahal siya, nabigo. Nagmahal ulit, nabigo, at muling nagmahal. Ngayon, steady na sila samantalang ikaw ay nananatiling pinangarap siya. Katangahan ng sobrang-sobra up to the point na bibirit ka ng “kasalanan ko ba kung iniibig kita ‘di ko naman sinasadya…” sa videoke.

Katangahan lang `yan. Move on-move on din kung magkaminsan!

Maganda ka. Walang pumipigil sa iyong i-upgrade ang status mo. Ipagkalat mo na sa mundo ang iyong ganda.

Posted on August 17, 2013, in What's in mind and tagged , , , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Anything you want to say?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: