Noong nanalo si Mitoy

HINDI KO MAIWASANG MAINIS

Sa mga nag-re-reklamo kung bakit back to zero… Last week pa lang ina-announce na reset ang votes after the top 2 finalists are announced. Ina-announce din sa Saturday episode. Kahit pa i-review niyo ang previous episodes. Analyze po sana bago tayong lahat magngangangawa. Let’s not do another Jinggoy Estrada boo-boo at ipahiya ang mga sarili natin.

Sa temang deserving naman… Wala namang hindi deserving sa kanilang lahat. Klarisse is a talented girl and the world is ahead of her lalo at nandiyan naman ang Popsters ni Sarah. Janice was a super talented and super experienced artist and she deserves it, too (IMHO). Si Myk also deserves it as well.

But you can’t deny that Mitoy have a voice that moves and it’s backed up with an experience na kakahigin pa ni Klarisse para maabot at malampasan. He’s already performing and honing his craft noong hindi pa naiisip ng mga magulang niya si Klarisse.

 

Let’s give Mitoy the benefit of his win. Even Lea Salonga, a beloved international music connoisseur, and his brother Gerard believed in his talent, eh, tayo pa ba ang mag-re-reklamo?

Wika nga, sa apat ay walang patapon.

Pero alam niyo yun, vote power nga ngayon ang labanan. Para namang hindi kayo nasanay sa reality shows. Kahit sa ibang bansa, vote power pa din ang basehan kung bakit nananalo ang isang contestant. Bakit noong second place si Jessica Sanchez hindi naman tayo naging ganito ka-heated sa reklamo at ganito ka-harsh kay Phillip Phillips, eh, parehas lang naman ang system of voting.

Hanggang ngayon, ito at ito pa rin talaga ang inirereklamo niyo.

Wala ba talaga sa culture natin ang tumanggap ng pagkatalo? Lagi ba talaga ang dialogue natin kapag natatalo ang bet natin is “Luto ang show na `to!” o hindi kaya ay “Dinaya ang text votes!”? Diyos ko naman! Wala na bang ibang reklamo? Recycle na rin, eh.

Isa pa, parang mas bumibilib pa yata ang mga taga-ibang bansa sa mga talento nina Mitoy at Janice. Tayong mga kababayan nila can’t see how precious they are. Panahon na siguro na tayo naman ang um-appreciate sa kanila.

Posted on September 30, 2013, in Fangirl Mode and tagged , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Anything you want to say?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: