The government is not corrupt

I don’t believe that our government is corrupt. The Philippine government and it’s system is a good one, if not great. It has great ideals and it was well-thought out.

Corruption only comes in when we mix in the human element. 

ROTTEN HUMAN ELEMENT.

Tao po ang nagpapadumi ng sistemang pang-gobyerno ng bansa. Tao po ang naghahanap ng mga paraan, leeway, avenues para madungisan ang sana ay isang magandang mukha ng gobyerno. Tao po ang naging dahilan kung bakit nasadlak sa matinding kahihiyan ang ating sistema. Tao po ang corrupt at hindi ang gobyerno.

At dahil tao ang naging dahilan ng lahat ng kasiraang ito, tao rin ang magiging daan para makabangon ang bansa ng mga Pilipino.

Huwag na huwag po nating ibabaon sa limot ang laban natin sa PDAF Scam. Huwag na huwag po tayong makampante na dahil huli na si Janet Napoles, tapos na ang lahat — marami pa yan sila. Huwag na huwag po tayong papadala sa pandi-distract at panlilinlang ng iilan. Huwag na huwag po tayong makakalimot na tayong mga simpleng mamamayan na sa ating sariling paraan ay naging tapat sa bayan ang pinakanaagrabiyado sa iskandalong ito.

Malaki po ang maitutulong ng simpleng Pilipino sa labang ito.

Huwag na huwag po tayong makakalimot at mapapagod sa pagbabantay at pagsubaybay sa higanteng teleserye ng panloloko sa mga Pilipino. Tutok lang tayo palagi at kilos din kapag may katiwaliang nalaman. Utang natin ito sa ating sarili at sa bayan.

Pagbayarin ang nagkasala sa sambayanang Pilipino!

Posted on September 30, 2013, in What's in mind and tagged , , , , , , , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Anything you want to say?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: