Sana’y `di na lang

friends lang

Kung sana’y hindi na lang naging tayo

Hindi sana ako nakakaramdam ng ganito

Kung sana’y hindi na lang sumubok

Hindi sana tahimik na lumuluha sa sulok

Maayos naman noong tayo’y simpleng magkaibigan

Alam ko kung saan ang ating hangganan

Pero bigla’y naisipan mo akong ligawan

At sinabi sa aki’y mayroon kang nararamdaman

Napakasaya ko dahil ako’y nagustuhan mo

Sa isip ko’y napakaswerte ko sa iyo

Kasi alam kong mabuti kang tao

Hindi ko pagsisisihang ibigay ang aking puso

Totoong kaibigan ang turing ko sa iyo noong simula

At noong nagtapat ka’y hindi ako makapaniwala

Pero naisip kong tapat ang iyong hangarin

Na hindi lang laro ang tingin mo sa akin

Pero sa huli ay doon lang din pala ang punta

Nahulog lang din tayo sa mapait na alaala

Ikaw ang dahilan ng gabi-gabing pag-iyak

Ang puso ko, ikaw din pala ang nagwasak

Nahulog kasi ako at minahal ka ng totoo

Umasa ng wagas ang tanga kong puso

Inakalang ang masasaya nating sandali

Ay tanda ng tayo na hanggang sa huli

Hindi ko alam kung kaya ko ang gusto mo

Na manatili na lang na magkaibigan tayo

Dahil hindi ko ala kung kakayanin ko ba

Ang ngitian ka kung muli tayong magkita

Mahirap nang ibalik ang nakaraan

Lalo pa’t may nabigo at nasaktan

Kung pwede lang hilingin sa mga bituin

Hihilingin kong sana `di ka na lang naging akin…

Posted on May 22, 2015, in Poems and verses and tagged , , , , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Anything you want to say?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: